Have some fun reading my blog

Live your live to the fullest... That's my motto so that living is worthy...

Thursday, March 1, 2012

High School Crush

Di ko alam kung kaylan nagsimula na kita'y ibigin
Basta nalaman ko na "Mahal na Kita"
Kahit sabihin nila na di tayo bagay
Na ika'y hindi gwapo tulad ng iba
Ngunit sabi ko naman: "Mabait at Masayahin ka naman"

Naalala ko pa nga noong una, wala naman talaga akong gusto sayo
Ngunit habang tumatagal na ikaw ay nakikilala
Naramdaman ko na lang na
Unti-unting nakakaroon ka na ng puang sa aking puso
May na kapag sabi sa akin na may gusto ka raw din sa akin
Pero hindi ka nga lumalapit sa akin
Ni ngumingiti tuwing ikaw ay nakikita

Isang araw ako'y galing sa simbang gabi "Christmas Vacation" na kasi
At pag-uwi di inaasahan ikaw ay kasama ng aking classmate
At pinapatanong mo raw kung ako'y pupunta sa "Sayawan"
Sabi ko: "Syempre,,, ako pa!!!"

Nung araw na ng sayawan ako'y iyong inayang sumayaw sa gitna
Habang tayo'y sumasayaw, di mo lang alam aking puso'y kay bilis na di maintidihan
Kaya hanggang matapos ang sayaw
Ni walang isang salita, lumabas sa aking bibig

Ako'y nanghihinayang, na di kita pinayagan, sa akin ay manligaw
Kasi naman ako'y luluwas nasa  Maynila para magkolehiyo
Ewan ko nga ba bakit hanggang ngayon di pa rin kita nakakalimutan
Ngayon ako'y nagtatrabaho  na 
Di pa rin nakakalimutan

Isang tanghali, habang ako'y nagbabasa ng inbox sa isang social networking site kung tawagin ay Facebook in short "FB"
Na ako'y iyong kinakamusta at iadd as a friend ko daw sya at OL(on line) pa sya
Kala ko sadyang pinagtatagpo tayo nagtadhana 
Ngunit bigla na lang nakita ko sa iyong wall na
_____ _____ is change his status from Single to In Relationship

Kaya pipilitin ko na lang ika'y aking kalimutan
Ngunit siguro matagal-tagal pa iyon 
Kasi ilang taon na nga ba noong ika'y huling makita
Ngunit mahal pa rin kita
Kahit may iilan narin akong naging boyfriend
Nag-iisa ka pa rin dito sa aking puso

PS...
Sana lang wala makabasa na kilala ko at worst mahulaan nila kung sino ang aking tinutuko'y
O SYA pa mismo ang makabasa nitong aking paglalahan ng aking nararamdaman.
Gusto ko lang naman na ibahagi ang aking nararamdaman sa ibang tao.
Dyan nagtatapos ang aking Pag-ibig sa kanya.
 
 

No comments:

Post a Comment